Ang Digital Batang Pinoy
Ang Nararapat Na Paggamit Ng Email
Ang email ay isang pamamaraan ng pagpapadala ng nakasulat na mensahe sa isang tao na nasa malapit man o malayong lugar sa pamamagitan ng paggamit ng internet. Ito ay maihahalintulad natin sa isang liham noong nakakaraang panahon na pinapadala sa tirahan o lugar ng negosyo ng isang tao sa pamamagitan ng koreo. Ang pagkakaiba nga lang ngayon ay hindi na nangangailangang gumamit ng ballpen, papel, at sobre. Hindi na rin kailangan nating pumunta pa sa post office para ito ay ihulog at makarating sa taong iyong pinadalhan. Sa pamamagitan lamang ng inyong computer o cell phone na may koneksyon sa internet ay maari na ninyong padala ang inyong mensahe sa kanila. Kinakailangan nyo lang malaman ang kanilang “email address” na magsasabi kung saang computer sa internet padadala ang inyong mensahe. Tulad rin ng isang liham ay maari kayo ring maglakip ng mga litrato, dokumento, video at mga applikasyon sa loob ng inyong mensahe na kung tawagin ay attachment.
Ano-ano ba ang mga bagay-bagay na dapat nating malaman sa wastong paggamit ng email upang epektibong masabi natin ang ating gustong sabihin:
Ituring ang email na isang gamit na malaki ang maitutulong sa atin sa pang araw-araw nating pangangailangan sa komunikasyon. Hindi ito isang laruan na maari nating abusuhin.
Huwag ipagsabi o laging palitan ang ginagamit ninyong password sa inyong email account upang ito ay hindi magamit ng ibang tao sa kanilang panloloko.
Huwag gumamit ng 	malalaking titik sa kabuuan ng ating mensahe dahil ito ay 	nagpapahiwatig na tayo ay sumisigaw.
Magbigay pugay sa 	simula ng inyong email sa iyong pinadadalhan.
Huwag sasagutin ang mga email mula sa mga taong hindi mo kilala lalo na kung ito ay nanghihingi ng iyong personal na pagkakakilanlan. Maari nila itong gamitin upang makapanloko ng ibang tao o mailagay ka sa alanganin.
Gamitin lamang ang email sa mga mahahalagang bagay. Iwasang magforward ng chain email na iyong natanggap mula sa iyong mga kaibigan o mga taong hindi mo kilala. Ito ang magiging sanhi sa pagkakuha ng iyong email address ng mga taong nagnanais manloko.
Huwag bubuksan ang mga attachment lalo na kung ito ay magmumula sa taong hindi mo kakilala. Maari itong maging sanhi na magkaroon ng computer virus ang iyong computer na maaring ikasira nito.
Gumamit ng tamang spelling, grammar at punctuation sa inyong mensahe. Huwag gagamit ng text speak o mga pina-ikling mga salata dahil baka hindi ito maintindihan ng taong iyong pinadalhan.
Isipin munang mabuti ang gusto mong sabihin sa taong iyong padadalhan ng mensahe. Pag ito ay napadala mo na ay hindi na ito muling mababawi pa.
Patnubay Ng Magulang Ang Kailangan
Bilang kumakatawan sa Internet Cafe Association of Imus, Inc at sa aking bagong tungkulin bilang National Advocacy Officer ng I-Cafe Pilipinas ay marami-rami na rin akong mga magulang na napapakinggan na nagrereklamo sa pagkasira ng buhay ng kanilang mga anak dulot ng pagkagahaman sa paglalaro ng mga computer games sa internet cafes. Kahit saan akong magpuntang pagtitipon saan mang panig ng bansa ay pare-pareho na lang ang kanilang mga istorya sa aking tungkol sa mga nangyayari sa loob ng mga internet cafe sa kanilang mga lugar.
Ang kanilang mga anak ay hindi nakatapos ng pag aaral dahil ito ay natutuong magbulakbol at magtigil na lang sa internet cafe ng buong maghapon. Ninanakawan sila ng salapi at gamit upang maging panustos ng kanilang mga anak sa kanilang bisyo na paglalaro ng computer games sa internet cafe. Noong nakaraang lingo habang ako ay nasa Davao City para isaayos ang isang pagtitipon ng mga internet cafes sa Mindanao ay ipinalabas ng iWitness ang “Adik ka ba.com” na isang paglalarawan sa pang araw-araw na buhay ng mga kabataan na nalululong sa paglalaro ng computer games sa internet cafe.
Ang aking laging tugon na lamang ay sa pamamagitan rin ng isang katanungan “bilang isang magulang ano ba ang inyong ginawa upang tugunan ang problema ng pagkaadik ng inyong anak sa computer games?” Kayo po ba ay may panahon upang tingnan ang kung ano ang ginagawa ng inyong anak o nakita nyo na lamang ito noong ito ay huli na? Tinatanong nyo po ba ang mga guro o prinsipal ng inyong anak kung ano ang lagay ng kanyang pag-aaral? Ako naman po ay isang magulang rin at nag mamay-ari ng isang internet cafe ngunit ang anak ko naman po ay hindi siya naging adik sa computer at paglalaro.
Ang problema ng kabataan sa pagiging adik sa pagcocomputer ay hindi lamang nakaatang sa balikat ng mga nagmamay ari ng internet cafe. Maari rin naman kaming may pagkukulang dahil sa aming nais na kumita ng salapi upang buhayin ang aming pamilya ay nakakaligtaan namin na mayroon kaming responsibilidad na dapat gawin upang mapaalalahanan ang aming mga customer sa kanilang paggamit ng aming computer. Ngunit ang malaking responsibilidad ay naka-atang pa rin sa mga magulang dahil sila ang may lubos na pag-unawa at ang mga nangangalaga sa kanilang mga anak. Siguro sagutin nyo na lang ang tanong na ito “ Alas diyes na ng gabi, alam mo ba kung nasaan ang inyong mga anak?”
Nagtatago sa Dilim ng Makabagong Teknolohiya
“Uy, Tess” nasambit ni Linda sa kanyang kaibigan “Kay tagal na ata nating di nagkikita ano ang iyong ginagawa ngayon?”
“Pasensya na Linda” tugon ni Tess “ Medyo busy lang ako ngayon at hindi na ako nakakalabas ng bahay.”
Si Linda at si Tess ay magka eskwela sa ika-apat na taon sa mataas na paaralan ngunit hindi na masyadong nagkakasama dahil si Tess ay lagi na lang nagmamadaling umuwi pagkatapos ng kanilang mga aralin.
“Mukhang may bagong boyfriend ka na ngayon?” tanong ni Linda kay Tess
“Ah, wala pa mayroon lang akong nakilala online at malimit kaming mag-chat at palitan ng text kaya lagi na lang akong nagmamadaling umuwi dahil alam ko nag-aantay siya sa aking pag-oonline sa chat.” ang paliwanang ni Tess.
Naikwento ni Tess kay Linda na noong nakakaraang buwan ay may nakilala siyang isang lalaki sa “chat room” at mula noon ay doon na lang umikot ang kanyang mundo.  Malimit silang mag-usap sa chat at kung hindi naman siya naka online ay malimit silang magpalitan ng text message miski siya ay nasa loob ng kanyang klase. Malimit din silang magpalitan ng mga litrato at ipinakita ni Tess kay Linda ang huling litratong pinadala sa kanya na nakaipit sa kanyang wallet.
“Ang guwapo naman pala niya. Nagkita na ba kayo ng personal?” Ang pag uusisa ni Linda.
“Hindi pa, lagi lang kaming nag-uusap sa chat at sa text pero hindi ko pa siya nakikilala ng personal. Lagi raw siyang busy pero pinangako niya sa akin na sa darating na sabado ay magkikita kami sa mall parang pinaka unang date naming dalawa.” Sagot ni Tess kay Linda.
Doon natigil ang pagkwekwentuhan ng magkaibigan sa pagdating ng kanilang mga nanay at kanya kanya na silang nagpunta sa kanilang mga dapat puntahan.  Lumipas ang isang linggo at Lunes nakita ni Linda si Tess sa loob ng kanilang silid aralan na parang bilisa at parang may malaking problemang dinadala.
“Tess, Tess bakit parang ikaw ay tulala ngayon at malaki ang iyong problema.” ang tanong niya sa kanyang kaibigan
Naikwento ni Tess ang nangyari sa kanyang date noong nakaraang sabado. Pagkatapos ng mahabang panahon makikita na rin niya ang taong naging laman ng kanyang isipan na nakaka-usap lamang niya sa pamamagitan ng chat at text.  Ang kanyang inaasahang matipunong lalaking darating ay kabaligtaran ang kanyang nadatnan.
Ang nagpakilalang tao sa kanya ay isang lalaking may katandaan na at may katabaan. Noon una ay hindi siya makapaniwala na siya ang taong kanyang inaantay pero noong ilahad nito ang lahat ng detalye ng kanilang pag-uusap ay doon siya natauhan na ang taong sa harapan niya ay siyang malimit niyang maka-usap sa chat at sa text.  Sa kanilang pag-uusap ay nahawakan siya nito ng mahigpit sa braso at pilit siyang sinasama kung saan. Buti na lang siya ay nagsisigaw at nagpupumiglas kaya nabitawan siya nito. Nagkaroon siya ng pagkakataong makatakbo papalayo sa taong gustong gawan siya ng masama.
“Papaano na ito Linda?” ang tanong ni Tess sa kanyang kamag-aral. “Alam niya ang lahat sa akin. Ang aking address, telepono at saan ako napasok. Ako ay nangangamba baka ako ay abangan niya sa labas o gawan niya ng masama ang aking pamilya.”
Gabay Sa Paggamit ng Makabagong Teknolohiya
Lubhang masuwerte ang kabataan sa ngayon dahil marami na silang pagkukuhanan ng impormasyon di tulad noong unang panahon. Ngayon miski sa loob lamang ng kanilang mga silid ay maari na nilang makuha ang impormasyon o makisalimuha sa maraming tao gamit lamang ang kanilang computer at internet. Kaya hindi nakakapagtaka na ang kabataan ngayon ay kabataan na ng mundo dahil sa lawak ng kanilang nararating gamit lamang ang internet at ang kanilang computer.
Ngunit sa kanilang paggamit ng makabagong teknolohiya na ito ay maraming maaring mangyari. Malaking responsibilidad ang naka atang sa kanilang mga balikat na kung hindi sila lubhang mag-iingat ay maari silang mailagay sa kapahamakan. Kaya sa kanilang pang araw-araw na paggamit ng makabagong teknolohiyang ito dapat nilang maisapuso ang mga sumusunod:
Isipin mo muna bago ka magpost – dapat maintindihan ng kabataan na kung ano man ang kanilang ilalagay sa internet ay hindi na nila ito mababawi at maaring magkaroon ng problema sa hinaharap. Ang paglalagay ng litroto at pagsusulat ng mga ibat ibang bagay na ilalagay sa internet ay may kasamang malaking responsibilidad dahil ito ay makakaapekto sa pagkilala at sa pagkatao ng gumagawa nito.
Huwag magbigay o maglagay ng personal na impormasyon sa mga websites o sa mga taong hindi mo kakilala – maaring magamit ng mga taong masama ang hangarin upang makapanloko o malaman ang iyong kinaroronan upang biktimahin ka.
Mag ingat sa mga taong iyong makikilala gamit ang makabagong teknolohiya – marami sa kabataan ay may mga kaibigan na hindi pa nila nakikita ng personal dahil ang mga ito ay nakilala lamang nila sa paggamit ng internet at pakikipag textmate. May posibilidad na nagpapanggap ang mga taong ito upang makuha ang iyong tiwala at maari ka nilang pagtangkaan ng masama.
Higit sa lahat tumangging makipagkita sa mga taong hindi mo kilala – ang hilig hilig ng mga kabataan natin ngayon makipag “eyeball” sa mga taong nakilala lang nila gamit ang internet o cellphone. Kung hindi mo naman talaga kilala ang taong iyong makaka “eyeball” mas maigi na huwag mo na lang ituloy ito para ikaw ay hindi mapahamak.
Addict Na Ba Ako Sa Computer?
Ang computer, video games at internet ay naging bahagi na ating buhay.  Hindi lamang ito ay ginagamit sa pagtatarbaho at ngayon ito ay ang nagiging daan para sa pagsasaya at kaalaman sa maraming tao.  Para sa karamihan ay maayos nilang nababalanse ang paggamit nito pero para sa iba ito ngayon ay nagiging isang malaking problema na.
Kailan ba talaga pwede nating sabihin na mayroon nang problema ang isang tao mula sa paggamit ng computer, paglalaro ng video games at pag surf sa internet?  Mayroon ba tayong batayan para sabihin na ang isang tao ay addict na sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya?  Maari nating masabi na ang mga unang bagay na iyong mapapansin kung ikaw ay may problema tungkol sa iyong paggamit ng makabagong tecnolohiya ay kung ito ay nagiging hadlang na sa iyong paggawa ng pang araw-araw na pamumuhay.  Kung iyong napapansin na karamihan na lang ng iyong oras ay iyong ginugugol sa paggamit ng computer, paglalaro ng computer games at paggamit ng internet.
Mga karagdagang bagay na maaring magpihiwatig na ikaw ay may problema sa paggamit ng makabagong teknolohiya:
Para sa mga kabataan:
Kung ang karamihan ng iyong oras na pagkatapos mong pumasok ay ginugugol lamang sa paggamit ng computer at paglalaro ng computer games.
Kung ikaw ay laging inaantok sa loob ng silid aralan
Kung hindi mo nagagawa ang iyong mga takdang aralin
Pagbaba o pagbagsak ng mga sa mga gawaing pampaaralan
Pagsisinungaling tungkol sa paggamit ng computer at paglalaro ng video games
Pagpili sa paglalaro ng video games at paggamit ng computer kaysa makapiling ang mga kaibigan
Hindi pagsali sa mga gawain ng ibat ibang grupong pang pamayanan at pampaaralan
Labis na naiinis o pagkabalisa pag hindi nakakapaglaro ng video games o nakakagamit ng computer.
Para sa mga matatanda:
Kung ang paggamit ng computer at paglalaro ng computer games ay nagiging sanhi ng pagkasaya at pagkabalisa
Pag ang oras ay nauubos sa paggamit ng computer at paglalaro ng computer games na naapektuhan na ang pang araw araw na pamumuhay ng pamilya at ang pampersonal na relasyon.
Pagsisinungaling sa sobrang paggamit ng computer at paglalaro ng video games
Pag nagagalit at nababalisa sa kadahilanang hindi paggamit ng computer o paglalaro ng computer games.
Sobrang sobrang paggastos sa kanyang paglalaro at paggamit ng computer
Pag hindi na niya malaman kung ano ang realidad na buhay mula sa kanyang pantasyang buhay sa paggamit ng computer at paglalaro.
Mga pisikal na bagay na maaring maramdaman:
Carpal tunnel syndrome
Hindi makapagtulog
Pananakit ng leeg at likod
Sakit ng ulo
Panunuyo ng mata
Hindi pagkain ng maayos
Pagkalimot na alagaan ang kanilang sarili tulad ng pagliligo
Masarap Mag-computer, Di Ba?
Masarap maging bata sa panahon na ito dahil nga labis na napakaraming bagay ang maaring gawin para malibang.  Ang mga makabagong technolohiya ay nagbibigay daan upang matuklasan ang ibat ibang bagay na maaring magawa ng isang bata di tulad noong panahon ng kanilang mga magulang.   Sa pamamagitan ng computer at internet ay mas madali na ang pagkuha ng impormasyon na kanilang kinakailangan sa pang araw araw na buhay.  Ito rin ang mga teknolohiyang ito ang nagkakapagbigay ng aliw at ligaya sa mga bata.  Sila ngayon ay maari nang marinig ng kanilang paboritong mga kanta, manood ng kanilang mga panoorin at maglaro ng kanilang mga paboritong laro sa oras na kanilang ninanais.
Kung noong araw ay kinakailangan pang maghanap ng kalaro sa labas ng bahay upang magkaroon ng kasiyahan, sa makabagong panahon ang kailangan lang gawin ay pindutin ang mga buton sa computer at ikaw ay maari nang makakita ng mga kalaro sa kahit saan panig ng daigdig.  Ang mga bata ay lubos na nasisiyahan sa paggamit ng makabagong teknolohiya dahil ito ay nagbibigay sa kanila kapangyarihan para gawin ang mga sumusunod:
Magkaroon ng pangalawang katauhan – nagkakaroon sila ng paraan para maisabuhay ang kanilang mga pantasya at ninanais.  Maari ito sa pamamagitan ng mga katauhan na ginagamit sa paglalaro o sa pamamagitan ng pagbibigay ng ibang impormasyon tungkol sa kanilang mga sarili.
Maipakita ang kanilang galing sa paggawa – ang computer at internet ay nagiging daan para maipakita at maibahagi sa maraming tao ang kanilang anking galling sa paggawa ng panoorin at sulatin.  Ito ay nagbibigay sa kanila ng daan upang ihayag ang kanilang saloobin.  Madali rin nilang naipapadala ang kanilang ginawa sa pamamagitan ng mga social networking sites, messenger, sms at email.
Magkaroon ng kaibigan sa ibat ibang lugar ng daigdig – maari silang magkaroon ng mga kaibigan mula sa ibat ibang lugar na nagpapalawak ng kanilang mga kaalaman tungkol sa kultura at pagkakaiba ng mga tao.
Napipili nila kung anong klaseng impormasyon ang      kanilang maaring ibigay at makuha mula sa internet – karamihan ng mga bagay bagay na makikita ngayon sa internet ay gawa na mismo ng mga taong gumagamit nito.  Mayroon na ngayong kakayahan ang mga tao na ilahat at kumuha ng mga impormasyong sa tingin nila ay importante.  Ang kakayahang mamili at pagbigay ng impormasyon ay nagbibigay ng lakas sa mga gumagamit nito.
Lubhang napakasarap talagang gamitin ang mga makabagong teknolohiya sa pang araw araw na gawin. Ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa lahat ng gumagamit nito.  Hindi tulad ng mga  bagay na natuklasan noong nakaraang panahon na kakaunti lang ang maaring makagamit nito, ang makabagong teknolohiya ay maaring maapektuhan ang uri at antas ng pamumuhay ng isang tao o isang pamayanan.