Ang Digital Batang Pinoy » Samu’t-Saring Mga Paksa
Patnubay Ng Magulang Ang Kailangan
Bilang kumakatawan sa Internet Cafe Association of Imus, Inc at sa aking bagong tungkulin bilang National Advocacy Officer ng I-Cafe Pilipinas ay marami-rami na rin akong mga magulang na napapakinggan na nagrereklamo sa pagkasira ng buhay ng kanilang mga anak dulot ng pagkagahaman sa paglalaro ng mga computer games sa internet cafes. Kahit saan akong magpuntang pagtitipon saan mang panig ng bansa ay pare-pareho na lang ang kanilang mga istorya sa aking tungkol sa mga nangyayari sa loob ng mga internet cafe sa kanilang mga lugar.
Ang kanilang mga anak ay hindi nakatapos ng pag aaral dahil ito ay natutuong magbulakbol at magtigil na lang sa internet cafe ng buong maghapon. Ninanakawan sila ng salapi at gamit upang maging panustos ng kanilang mga anak sa kanilang bisyo na paglalaro ng computer games sa internet cafe. Noong nakaraang lingo habang ako ay nasa Davao City para isaayos ang isang pagtitipon ng mga internet cafes sa Mindanao ay ipinalabas ng iWitness ang “Adik ka ba.com” na isang paglalarawan sa pang araw-araw na buhay ng mga kabataan na nalululong sa paglalaro ng computer games sa internet cafe.
Ang aking laging tugon na lamang ay sa pamamagitan rin ng isang katanungan “bilang isang magulang ano ba ang inyong ginawa upang tugunan ang problema ng pagkaadik ng inyong anak sa computer games?” Kayo po ba ay may panahon upang tingnan ang kung ano ang ginagawa ng inyong anak o nakita nyo na lamang ito noong ito ay huli na? Tinatanong nyo po ba ang mga guro o prinsipal ng inyong anak kung ano ang lagay ng kanyang pag-aaral? Ako naman po ay isang magulang rin at nag mamay-ari ng isang internet cafe ngunit ang anak ko naman po ay hindi siya naging adik sa computer at paglalaro.
Ang problema ng kabataan sa pagiging adik sa pagcocomputer ay hindi lamang nakaatang sa balikat ng mga nagmamay ari ng internet cafe. Maari rin naman kaming may pagkukulang dahil sa aming nais na kumita ng salapi upang buhayin ang aming pamilya ay nakakaligtaan namin na mayroon kaming responsibilidad na dapat gawin upang mapaalalahanan ang aming mga customer sa kanilang paggamit ng aming computer. Ngunit ang malaking responsibilidad ay naka-atang pa rin sa mga magulang dahil sila ang may lubos na pag-unawa at ang mga nangangalaga sa kanilang mga anak. Siguro sagutin nyo na lang ang tanong na ito “ Alas diyes na ng gabi, alam mo ba kung nasaan ang inyong mga anak?”
Nagtatago sa Dilim ng Makabagong Teknolohiya
“Uy, Tess” nasambit ni Linda sa kanyang kaibigan “Kay tagal na ata nating di nagkikita ano ang iyong ginagawa ngayon?”
“Pasensya na Linda” tugon ni Tess “ Medyo busy lang ako ngayon at hindi na ako nakakalabas ng bahay.”
Si Linda at si Tess ay magka eskwela sa ika-apat na taon sa mataas na paaralan ngunit hindi na masyadong nagkakasama dahil si Tess ay lagi na lang nagmamadaling umuwi pagkatapos ng kanilang mga aralin.
“Mukhang may bagong boyfriend ka na ngayon?” tanong ni Linda kay Tess
“Ah, wala pa mayroon lang akong nakilala online at malimit kaming mag-chat at palitan ng text kaya lagi na lang akong nagmamadaling umuwi dahil alam ko nag-aantay siya sa aking pag-oonline sa chat.” ang paliwanang ni Tess.
Naikwento ni Tess kay Linda na noong nakakaraang buwan ay may nakilala siyang isang lalaki sa “chat room” at mula noon ay doon na lang umikot ang kanyang mundo.  Malimit silang mag-usap sa chat at kung hindi naman siya naka online ay malimit silang magpalitan ng text message miski siya ay nasa loob ng kanyang klase. Malimit din silang magpalitan ng mga litrato at ipinakita ni Tess kay Linda ang huling litratong pinadala sa kanya na nakaipit sa kanyang wallet.
“Ang guwapo naman pala niya. Nagkita na ba kayo ng personal?” Ang pag uusisa ni Linda.
“Hindi pa, lagi lang kaming nag-uusap sa chat at sa text pero hindi ko pa siya nakikilala ng personal. Lagi raw siyang busy pero pinangako niya sa akin na sa darating na sabado ay magkikita kami sa mall parang pinaka unang date naming dalawa.” Sagot ni Tess kay Linda.
Doon natigil ang pagkwekwentuhan ng magkaibigan sa pagdating ng kanilang mga nanay at kanya kanya na silang nagpunta sa kanilang mga dapat puntahan.  Lumipas ang isang linggo at Lunes nakita ni Linda si Tess sa loob ng kanilang silid aralan na parang bilisa at parang may malaking problemang dinadala.
“Tess, Tess bakit parang ikaw ay tulala ngayon at malaki ang iyong problema.” ang tanong niya sa kanyang kaibigan
Naikwento ni Tess ang nangyari sa kanyang date noong nakaraang sabado. Pagkatapos ng mahabang panahon makikita na rin niya ang taong naging laman ng kanyang isipan na nakaka-usap lamang niya sa pamamagitan ng chat at text.  Ang kanyang inaasahang matipunong lalaking darating ay kabaligtaran ang kanyang nadatnan.
Ang nagpakilalang tao sa kanya ay isang lalaking may katandaan na at may katabaan. Noon una ay hindi siya makapaniwala na siya ang taong kanyang inaantay pero noong ilahad nito ang lahat ng detalye ng kanilang pag-uusap ay doon siya natauhan na ang taong sa harapan niya ay siyang malimit niyang maka-usap sa chat at sa text.  Sa kanilang pag-uusap ay nahawakan siya nito ng mahigpit sa braso at pilit siyang sinasama kung saan. Buti na lang siya ay nagsisigaw at nagpupumiglas kaya nabitawan siya nito. Nagkaroon siya ng pagkakataong makatakbo papalayo sa taong gustong gawan siya ng masama.
“Papaano na ito Linda?” ang tanong ni Tess sa kanyang kamag-aral. “Alam niya ang lahat sa akin. Ang aking address, telepono at saan ako napasok. Ako ay nangangamba baka ako ay abangan niya sa labas o gawan niya ng masama ang aking pamilya.”